Hinahanap ngayon ang isang barangay
tanod sa Manaoag, Pangasinan matapos umano nitong saksakain ang isang magsasakang karibal niya sa panliligaw.
Kinilala bilang si Melanio Centeno ang suspek na sumaksak kay Carlos Veloria.
Kritikal ang kalagayan ngayon ng 46-anyos na magsasakang nagtamo ng saksak sa dibdib. Ito ay
nangyari habang palabas ng gate ng
nililigawang si Katrina Soriano ang biktima nang bigla itong sinalubong ni Centeno at sinaksak.
Nakisali pa rito ang pamangkin ng babae na kinilala bilang si Ruben Zabala na nakadetine na ngayon sa himpilan.
Ani ng babae, “’Yung pamangkin ko
inaawat ko siya kasi binubuntal niya,
sabi ko, 'Tama na 'yan 'wag niyong anuhin at nanliligaw sa akin 'yan.'"
"Nanliligaw doon sa auntie ko tapos ’yung sumaksak, kursunada niya si auntie ko," ani naman
ni Zabala.
Maaaring kasuhan ng frustrated homicide ang dalawang suspek ayon na
rin kay Police Inspector Wilfredo
Gregorio, Deputy Chief ng Manaoag Police.
Panawagan ng pamilya ni Veloria, sumuko na at panagutan ang kasalanang
nagawa.
Source: GMA
Image: Kuwaitiful
Share It To Your Friends!
Loading...