WARNING MILD GRAPHIC CONTENT: Mag-iina Nasagasaan ng Bus Habang Tumatawid sa Pedestrian Lane [VIDEO]


Kuha sa CCTV ang pagkakasaga ng isang bus sa mag-iina na tumatawid sa pedestrian lane sa harap ng isang paaaralan sa Barangay Prado Saba, Lubao Pampanga.



Ang nga nasagasaan ay nakilalang si Alma Lalic at ang kanyang mga anak na sila Ann Lorraine, 6 na taong gulang, at Lorenz Albert, 3 taong gulang. Ang tatlo ay kasalukuyang nasa ospital.

Nakaladkad ng bus ang mga biktima habang papatawid sa pedestrian lane papunta sa Prado Saba Elementary School noon Huwebes, Pebrero 9.

Sa kuha sa CCTV, makikitang sabay sabay na tumatawid ang mga pedestrian na inaalalayan pa ng isang barangay tanod. Ngunit ilang hakbang lamang bago makatawid sa kabilang sidewalk, makikitang may isang pampasaherong bus ang umarangkada sa kaliwang linya ng highway. At dito na nasagasaan ang magiina.



Ang drayber ng Bataan Transit na si Manuel Yambot ay kasalukuyang nakakulong sa Lubao Municipal Station. Aniya, iniwasan nya ang mga sasakyang nasa harapan nya na bigla umanong huminto.

Ngunit ayon sa mga nakakita, mabilis diumano ang takbo ng drayber, na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple physical injuries. 

Ang magiina ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.



Panoorin ang video dito:





Source / Image: ABS-CBN
Video: Viral Today

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...