NAIA Screener, Suspendido Matapos Subukang Mangikil Dahil sa Ube Jam


Isang nagreklamong pasahero ang tinawagan kahapon sa DZMM dahil diumano sa tangkang pangingikil sa kanya ng isang screener sa NAIA.



Inilahad ng pasaherong si Carol Reynon, na ngayon ay nasa Dubai na, ang kanyang karanasan nang maharang sa final screening nang madiskubre ang garapon ng ube jam sa bagahe ng kanyang kasamang dayuhan.

"Ang sabi sa amin, actually po ma'am bawal po 'yung ubve jam sa hand carry, sabi nya. Tas, kung gusto nyo po, tara po dun sa tabi, pag-uusapan po natin yung ube jam nyo. Sabi ko, Kuya male-late na 'ko sa flight namin." ang sabi ni Carol Reynon.

Ang tugon ni Ed Monreal, MIAA Genaral Manager: "...Medyo nakakaalarma kung totoo man yung sinasabi ng pasahero as claimed na ...niyaya syang magusap sa isang tabi ...yun ang sa tingin ko medyo hindi nararapat."




Sa CCTV footage ng NAIA, makikitang 7 minuto na lang bago ang flight, dumating sa final screening si Carol at ang dayuhan na kasama. Dinala ang bagahe nila sa inspection table, hanggang makita at iprinisenta ng screener ang garapon ng ube.

Tinawag ang screener ang isang kasama, nagusap saglit at nang bumalik ay may dalang libro na naglalahad ng mga pinagbabawal at pinapayagang dalhin ng mga pasahero.

Konting sandali na lang ang natitira bago ang 8:45 flight ni Ms. Reynon kaya nagdesisyon na bumalik sa check in para makasama sa byahe ang garapon ng ube halaya.




Lingid sa kaalaman ng mga pasahero, may limit sa timbang ng mga gel at liquid na dala na pwede sa hand carry.

"Whether ibalik po nila doon sa check in counter, pwede ho iyon. Pero as a hand carry, iyon po ay bawal. For liquids and gel, 100ml lang po ang allowed." paliwanag ni Mr. Monreal.



Source: ABS-CBN

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...