Jason Abalos on Kabisera co-star Nora Aunor: "Minsan Namimigay ng P5000."

Jason Abalos on Nora Aunor: "Masayang katrabaho po si Ate Guy kasi pag medyo pagod na, minsan nagpapalaro siya. Minsan namimigay ng P5000."


Natupad na ang isang wish ng award-winning ABS-CBN actor na si Jason Abalos na makatrabaho sa isang pelikula ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Nangyari ito sa pelikulang Kabisera na isa sa official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival.

Ito ang nakakatuwang kuwento ni Jason tungkol sa Superstar:

"Nung bata ako, sobrang fan ng mama ko si Ate Guy. Sa bahay namin sa Nueva Ecija, maraming Liwayway [magazine].

"Ang laging laman ng Liwayway si Ate Guy.

"Masayang katrabaho po si Ate Guy kasi pag medyo pagod na, minsan nagpapalaro siya. Minsan namimigay ng P5000.

"Galante!"

Nagkomento si Nora at inamin niya na nagpapa-contest siya sa kanyang mga co-stars na ang premyo ay P5000.

Ito ang first time na magkaroon ng pelikula sa MMFF si Jason.

“Kasi 11 years na pala ako sa showbiz at never pa akong nagkaroon ng pelikula sa MMFF.

“Kaya nakakatuwa lang isipin na ang first movie ko with Ate Guy ay siya ring first movie ko sa MMFF.





“Dati pinapanood ko lang ang mga movies ng mga kaibigan ko na may entry sa MMFF. Ngayon ako naman ang panonoorin nila at kasama ko pa sa unang MMFF movie ay si Ate Guy,” pahayag pa ni Jason nang makapanayam namin siya sa press conference ng Kabisera sa Salu Restaurant in Quezon City.

Una raw natuwa noong magkaroon siya ng pelikula with Ate Guy ay ang ina ni Jason na isang solid Noranian.

“Sobrang natuwa si Mama noong sabihin ko na may movie ako with Ate Guy. Noranian kasi ni Mama noon pa.

“Kaya sa premiere night, isasama ko si Mama para personal niyang makilala si Ate Guy.

“Hindi ko alam ang magiging reaction niya kasi matagal na niyang gustong makita in person si Ate Guy. Ngayon magkakaroon na siya ng pagkakataon dahil sa pelikula namin na Kabisera,” ngiti pa ng 31-year-old actor.

Sa pakikipagtrabaho raw ni Jason kay Ate Guy sa Kabisera, hindi raw nito naramdaman na isang malaking artista ito.

“Simple lang po siya at napakabait po.

“Noong una, parang ma-intimidate ka kay Ate Guy kasi nga superstar siya. Pero hindi niya pinaramdam sa amin iyon sa set ng Kabisera.

“Kapag nasa set kami, simple lang siya, walang ere.

“Kaya nawala ang naramdaman kong intimidation kasi relaxed kami kapag kasama siya.

“Natuwa pa ako sa kanya kasi binigyan niya ako ng book. Yung libro na Himala. Pinirmahan niya pa iyon para sa akin.

“Kaya iba ang feeling. Abot na abot namin si Ate Guy,” kuwento pa niya.

Mas magiging busy si Jason sa 2017 dahil dalawang pelikula pa ang natapos niyang gawin, bukod sa may bago siyang teleserye sa ABS-CBN.

“Babawi po tayo sa 2017.

“This year, medyo konti lang ang nagawa natin kasi mas inasikaso ko ang bagong business namin.

“Binenta na kasi namin yung restaurant business at ang bagong business na inaasikaso ko ay ang salon.

“Inaral ko naman ang tungkol sa salon business at may mga taong nag-guide sa akin.

“Mahilig talaga tayong mga Pinoy na magpaganda. Lalo na ang mga babae, kailangan maganda ang buhok at kuko nila.

“Kahit na mga lalake ngayon nagiging banidoso na. Kaya tama lang na mag-salon business ako.

“May mga tumulong naman sa akin para malaman ko ang tungkol sa ganitong business. Kaya okay naman lahat and hopefully mas maganda pa ang mangyari sa 2017,” ngiti pa niya.





The post Jason Abalos on Kabisera co-star Nora Aunor: "Minsan Namimigay ng P5000." appeared first on PEP.

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...