Humingi ng dispensa si Gretchen Barretto sa naging pagkukulang ng organizers ng preview opening ng Okada Manila, na pagmamay-ari ng Japanese billionaire na si Kazuo Okada, kung saan ka-partner nito ang ka-live in ng aktres na si Tonyboy Cojuangco.
Humingi ng paumanhin ang aktres na si Gretchen Barretto sa isang netizen na nagreklamo kaugnay ng preview opening ng Okada Manila.
Ang Okada Manila ay pag-aari ng Japanese billionaire na si Kazuo Okada at business partner naman nito si Tonyboy Cojuangco, ang live-in partner ni Gretchen.
Si Gretchen mismo ay masigasig sa promotion ng naturang hotel and casino, kung saan kahit sa business meetings ni Tonyboy ay sumasama siya.
Noong Miyerkules, December 21, ginanap ang Christmas Preview: A Concert and Spectacle of Lights ng Okada Manila, kung saan may live performances sina Lani Misalucha, Bamboo, at Regine Velasquez.
Ayon sa isang netizen na may handle name na heide_ugay, hindi raw naging maayos at disorganisado ang preview opening ng bagong-tayong hotel and casino.
Nakaranas daw sila ng "nightmare" ng kanyang kaibigan, pati na ang ibang mga bisita na karamihan ay senior citizens.
Hindi raw kasi naging maganda ang pagtrato sa kanila ng marshals.
Nagreklamo rin ito tungkol sa kakulangan diumano ng portalets sa preview opening ng isa sa pinakamalaking resort hotel and casino na magbubukas sa Manila sa mga susunod na araw.
May isa pang follower si Gretchen na nagtanong sa naturang netizen kung may mga gamit ba sa loob ng portalets.
Kaagad namang sumagot si Gretchen sa mga naturang komento. Humingi siya ng paumanhin sa mga ito.
The post Gretchen Barretto Apologizes to Netizen for Shortcomings of Okada Manila Preview Opening appeared first on PEP.
Share It To Your Friends!
Loading...