Dalawang Poste sa Congressional Ave. Bumuwal Matapos Mahila ng Truck; Mag-Asawa, Patay



Dalawang buhay ang nawala dahil sa magkasunod na pagbuwal ng dalawang poste ng kuryente nang mahila ng isang truck nitong Linggo sa Congressional Avenue Extension, Quezon City.



Dahil sa ‘hindi’ napansing nakaangat na loader ng truck, patay ang mag-asawang Christian Calleja at Jennylyn Reyes na sakay ng motorsiklo ang tumilapon sa daan matapos masagi ng kableng dulot ng pagbuwal ng unang poste.


Samantala, ligtas naman ang drayber ng isang kotse kung saan bumuwal ang isa pang poste.


Idiniin naman ng drayber ng truck na si Raly Brent Reyes na hindi niya napansing nakaangat ang loader ng kanyang minamaneho ngunit ayon naman sa testigong si Grace Cortez, sinabihan raw niya ang drayber na nakaangat ang loader ng truck habang ito ay bumibili sa kanya ng buko juice, ngunit hindi raw siya nito narinig.


Maya-maya pa ay nakarinig na lamang raw siya ng malakas na tunog ng pagkabagsak.




Dulot ng pagkabuwal ng dalawang poste, nawalan ng kuryente ang lugar at nanatiling sarado ang daanan hanggang alas-2 nang hapon.




Source/Image: ABS-CBN

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...