Lolo na Namamalimos Dahil Pinag-iipunan ang Kanyang Kabaong



Kilala bilang Tatay Berting, sa edad na 79, patuloy pa ring sinusubukan ni Ruperto Arroyo ang kanyang swerte sa pmamagitang ng paglilimos sa mga kalsada ng Lucena City, Quezon.



Nanlilimos ng pera ang matanda upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak na si Oging.


At anya Tatay Berting, nais raw niyang makaipon upang makabili ng kabaong na kanyang hihimlayan kung siya ay mawawala na.


Nang tanungin kung ikinahihiya ba ng matanda ang kanyang ginagawa, sinagot ito ni Tatay Berting.


"Bakit ako mahihiya? Hindi ako nagnanakaw. Hindi ako namimilit. Kung bigyan, salamat. Kung hindi, salamat pa rin.”



Dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang anak, nagagawa ni Tatay Bertinh na tumayo nang napakatagal upang makaipon ng sapat na pera sa pangtustos ng pagkain at pangangailangan nila.





Source/Image: ABS-CBN

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...