Eugene Domingo on Jericho Rosales: "We all know how good an actor Jericho is. Kahit na anong role na ibigay mo sa kanya, kaya niyang gampanan."
Nagpapasalamat ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo sa kanyang dalawang leading men sa 2016 Metro Manila Film Festival official entry na Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough na sina Jericho Rosales at Joel Torre.
Kahit na sobrang busy daw ng dalawang ito, napagbigyan daw nila ang lumabas sa naturang pelikula at makatambal siya.
First time na makasama sa pelikula ni Uge si Jericho at noon pa man ay hinangaan na niya ang husay nito sa anumang role na ibigay sa kanya.
“We all know how good an actor Jericho is. Kahit na anong role na ibigay mo sa kanya, kaya niyang gampanan.
“Seryoso siyang tao, pero he can also be very funny.
“Natural comedian si Echo at napakabait na tao.
“He is so cooperative. Despite of the schedule na binigay sa kanya for shooting, wala siyang reklamo.
“Napakagaan niyang katrabaho at mapagbiro sa lahat ng tao sa set,” kuwento pa ni Uge sa press conference ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough.
Marami raw silang mga intimate at romantic scenes ni Echo sa movie at ito ang dapat hindi ma-miss ng marami.
“Panoorin ninyo, ha? Mahirap na ang may giveaway kasi spoiler alert iyon. Gusto namin ay magugulat kayo. Yung hindi kayo aware na nangyayari pala ang gano’n sa totoong buhay!” tawa pa niya.
Si Joel Torre naman daw noon pa man ay crush na ni Uge.
“Sa totoo lang, high school pa lang ako, crush na crush ko na ‘yang si Joel Torre.
“Nakatrabaho ko na siya before sa isang teleserye at hindi ako makapaniwala noon na ang crush kong aktor ay nakakaeksena ko na.
“Kaya noong i-cast siya rito sa movie namin, it’s like paying tribute to this actor kasi sa mga hindi nakakaalam, si Joel ang isa sa nagsimula sa paggawa ng indie films sa ating industriya.
“Kaya masasabing kong indie hero ko siya dahil nakita ko ang kagandahan ng paggawa ng mga indie films.
“He paved the way na mapansin ang indie films na nagtatampok sa mga dekalibreng mga artista ngayon.
“Kita n’yo naman pati sila Ms. Nora Aunor, Ms. Vilma Santos ay gumawa na rin ng mga indie films.
“Kaya salamat Joel Torre! Habang nagkakaedad ka ay lalo kang gumaguwapo sa paningin ko!” malakas na tawa pa ni Uge.
ON COMPETING WITH NORA AUNOR. Ayaw naman isipin ni Uge na mananalo siyang Best Actress sa awards night ng MMFF 2016 na gagawin sa December 29.
Mas gusto raw niya na tauhin at tangkilin ng manonood ang kanilang pelikula.
Marami kasi ang nagsasabing ang matinding makakalaban ni Uge sa Best Actress category ay walang iba kundi ang Superstar Nora Aunor para sa film entry nito na Kabisera.
Ayon pa kay Uge, malaman lang niyang makakalaban niya sa isang award si Nora ay kinakabahan na siya.
“Sa totoo lang, kapag Nora Aunor, parang suko na ako. Sa kanya na ang best actress award!
“Kasi ‘di ba? Nakatrabaho ko na si Ate Guy. Alam ko ang kalibre niya. Hindi ako puwedeng ilaban sa kanya. Kaya wala akong laban sa kanya.
“Mas concern ko ay ang mga magagandang feedback at ang kikitain ng movie namin sa MMFF.
“More than the awards, ang mga comments ng mga moviegoers ang gusto kong bigyan ng importansya.
“Lalo na ngayon at malakas ang social media, mabilis naming malalaman ang reaksyon ng mga nakapanood ng movie namin,” diin pa ni Uge.
The post Eugene on Intimate Scenes With Jericho Rosales: "Gusto Namin ay Magugulat Kayo." appeared first on PEP.
Share It To Your Friends!
Loading...