Marami ng mga project na tinutulungan ang nag-iisang Phenomenal Star Maine Mendoza, isa sa mga kanyang mga project ang #SaveLumads na sumusuporta sa Indigenous people sa mindanao.
Isa pa rito ang AlDub scholarship na sinusuportahan ni Maine nagbebenta siya ng mga gamit through garage sale para makalikom ng donation para sa scholarship drive ng AlDub Nation.
Kilala din ang Phenomenal Star bilang Queen of Social media kung saan siya ang nagiging daan upang makalikom ng donasyon ang kanyang mga Taga-hanga na nangangailangan ng tulong. Iba talaga ang hatak sa Social Media ni Maine Mendoza.
Ngayon naman may bago siyang proyekto na binubuo sa Social Media na "Human of Baranggay" na kung saan may mga ibat ibang kwento ng tao sa Baranggay na kanilang napupuntahan sa Sugod Bahay, ang kanyang isha-share sa atin upang magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin.
Nakuha ni Maine Mendoza ang idea ito sa inspired by Brandon Stanton's Humans of New York. Please lets spread and support this Maine's project.
From : @Mainedcm twitter account
Like this Maine project :https://www.facebook.com/Humans-Of-Barangay-384363608745438/?zero_e=3&zero_et=1522673583&_rdc=1&_rdr
“7 years na kaming magkaibigan, pero elementary palang magkaklase na kami. Bata palang ganito na kami pero hanggang ngayon may mga nangungutya pa din. “Salot na bakla” o kaya “Madami na nga kami, dadagdag pa kayo”, iba’t iba pang salita ang binabato ng kapwa namin para i-down kami. May konting kirot, pero dahil mas kilala namin ang sarili namin, hindi kami magpapadala sa mga sinasabi nila. Dedma nalang. Sana lang ay tigilan na nila yung gawaing ganun at mahalin niyo nalang ang kapwa niyo tao. Mahirap magpakalalaki kung hindi ka lalaki, mahirap din magpakababae kung hindi ka babae. Pero tao din kami, mahirap ba kaming respetuhin sa ganitong katayuan namin? ”
Share It To Your Friends!
Loading...