Caught on Cam: Man Stealing a Flat Screen Television From A Barangay Hall



Huling-huli sa CCTV ang lalaking umaaligid sa barangay hall na animo’y naghihintay ng tyempo sa kanyang gagawing krimen nitong Sabado, Setyembre 23 sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.



Sa una ay tila ba hindi mapakali ang lalaki at maya-maya pa ay makikitang may bitbit na itong telebisyon na galing pala umano sa loob ng barangay hall.


Matapos itong salisihin ng suspek ang mga tanod at tao sa barangay hall habang may ginaganap na event sa function venue ng barangay hall.


Kinilala ang suspek bilang alyas “Jenzel” na taga-Caloocan at ani pulisya, may larawan na ang Quezon City Police District ng suspek.


Nananawagan ang awtoridad na kung sinuman ang nakakakilala kay alyas “Jenzel,” agad itong ipagbigay-alam sa pulisya.


Samantala, pakiusap naman ni Barangay Captain Rodolfo Palma, sumuko na lamang ang suspek at isauli ang ninakawa na telebisyon.



Narito ang bidyo ng kanyang pagnanakaw:









Source/Image: ABS-CBN

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...