Isa na namang aberya ang sumalubong sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 dahil sa pagkasunog sa ilalim ng passenger seat sa isang bagon o freight car, Lunes.
Mga bandang alas-6 ng umaga nang mag-signal ang drayber ng tren nang papalapit sa Santola Aveue Station. Matapos inspeksyunin, nakitang nasusunog ang regulator sa ilalim ng upuan, pahayag ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez.
Matapos makompirma ang sunog sa ilalim ng upuan, pinababa ang mga pasahero sa nasabing istasyon. Mabilis namang naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher ng bagon.
Matapos dalhin ang tren sa depot para ayusin, balik-normal na ang operasyon ng MRT-3.
Nitong nakaraang linggo, nasa 17 beses na aberya ang naiulat na dulot ng MRT-3.
Source: ABS-CBN
Images: DZMM
Share It To Your Friends!
Loading...