Khalil Ramos Says no to Posting Shirtless Selfies on Social Media

Khalil Ramos on posting sexy photos on social media: "Anyone can see it and download your photo. Kaya kailangan careful tayo, lalo na ngayon na sobrang advance ang technology. Anyone can alter your photo in an instant. Yun ang nakakatakot."

Kahit active sa social media si Khalil Ramos, maingat daw siya sa pag-post ng photos and videos.

Maraming kasing-edad ni Khalil ang nahihilig sa pag-post ng selfies na shirtless at ipinapakita ang kanilang abs.




Kadalasan, ang mga selfie na ito ay kuha sa gym, sa shower room, o sa sarili nilang kuwarto.

Ayon kay Khalil, kahit mayroon siyang mga tinatawag na ‘gym selfies,’ hindi niya ito ipinu-post sa social media dahil masyado raw iyon personal.

Paliwanag ng 20-year-old singer-actor, “Most of my followers po kasi ay mga bata, kaya hindi maganda or appropriate that I post photos na shirtless ako.

“I do have selfies na kuha ko sa gym. Parang progress report ko yun sa sarili ko after mag-workout.

“The purpose of it naman is para para malaman ko kung ano pa ang kulang o dapat i-improve sa body ko.

“Yun ang mga hindi ko pinu-post. Personal photos ko na po yun.

“Mahirap na, baka may mag-screenshot at gamitin sa kung anu-ano, di ba?

“Kaya maingat lang tayo sa panahon ngayon.”

Nakasaup ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil sa press conference ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough.

SEXY SELFIES. May mga kaibigan daw si Khalil na mahilig mag-post ng kanilang sexy selfies at hindi naman daw siya nakikialam sa kagustuhan nilang ito.

Saad niya, “I have nothing against people na pinu-post ang selfie nila sa gym o sa shower room. Kanya-kanyang trip naman yun.

“Actually, I have friends who do that, and it’s okay.

“To each his own, di ba? Kung yun ang gusto nilang gawin, wala tayong karapatan na pagbawalan sila.

“Just as long as you are responsible sa mga pinu-post mo sa social media.

“Anyone can see it and download your photo. Kaya kailangan careful tayo, lalo na ngayon na sobrang advance ang technology.

“Anyone can alter your photo in an instant. Yun ang nakakatakot.”

BACK TO SINGING. Samantala, sa 2017 ay babalik daw si Khalil sa kanyang first love, which is singing.

Nakilala si Khalil dahil naging second runner-up siya sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN noong 2011.

Pumirma siya ng co-management contract with Cornerstone Entertainment at pinaplano na nila ang pagbabagong-bihis ni Khalil bilang isang singer.

Pahayag niya, “Mas nag-concentrate kasi tayo sa acting in the last five years.

“Medyo napabayaan natin ang pagiging singer natin na una kong gustong gawin.

“There are plans for me to record an album and the songs there will be my forte na alternative rock.

“Baka mag-form din kami ng band kunsaan ako ang lead vocalist.

“All of that ay sa 2017 mangyayari and excited ako go back to singing.”

Ang Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough ang ikatlong MMFF movie na nakasama si Khalil.

Una ay ang Shake, Rattle & Roll XV noong 2014 at Honor Thy Father in 2015.

Sabi ni Khalil, “Three years in a row na pala akong may MMFF movie.

"And proud ako to be part of Ang Babae Sa Septic Tank 2, kasi I play a production assistant na walang dialogue.

“Akala noong una ay madali lang ang gagawin ko kasi wala akong ime-memorize na mga lines.

“Pero mas mahirap pala yung walang dialogue kasi nakadepende sa facial expressions ko ang ilalabas mong emotions sa mga eksena.”




The post Khalil Ramos Says no to Posting Shirtless Selfies on Social Media appeared first on PEP.

Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...