Erik Matti says ABS-CBN actor Piolo Pascual and GMA-7 actor Dingdong Dantes will be given equal billing in the upcoming action flick titled Pintakasi.
"Okay na kami, okay na kami ni Dingdong."
Ito ang natutuwang kinumpirma ng director/producer na si Erik Matti sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa grand presscon ng pelikula nitong Seklusyon kanina, December 16, na ginanap sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.
Matatandaang nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa nang mapalitan si Dingdong Dantes ni John Lloyd Cruz para sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na Honor Thy Father.
Ayon kay Direk Erik, matagal na nilang napag-usapan ni Dingdong ang nangyari at naging maayos naman daw ang kinahinatnan ng kanilang pag-uusap.
Dagdag pa nito, "Hindi naman kasi siya malaking isyu 'no, yung sa amin, and napapag-usapan naman.
"Si Dingdong lalaki kausap iyan, diretso kami mag-usap, yun lang."
Patuloy pa ng director/producer, "We talked about it and okay naman.
"There was a bit of parang miscommunication. That was a year ago.
"But we already sat down, we discussed Tiktik 3 before we discussed this," na ang tinutukoy niya ay ang upcoming film nila ng aktor, ang Pintakasi.
Dagdag pa nito, "We approached him for Pinatakasi and, of course, we asked about...because we were partners in Aswang Chronicles.
"So sinabi namin, 'Are we going to continue the franchise?'
"Kasi every two years namin yun iniisip gawin, we sat down, and sabi niya, 'Sige, let's do the third franchise.'"
Nagustuhan naman daw ni Dingdong ang kanyang gagampanan sa Pinatakasi at napapayag din siyang maging bahagi nito.
Magkapantay raw ang billing ni Dingdong at ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual sa pelikulang ito na balak raw nilang simulan sa second-half ng parating na taon.
Ayon pa kay Direk, "We explained Pintakasi to him na parehong pantay sila ni Piolo, and nagustuhan niya yung role niya.
"When we were in Macau, we were sending them pics of the pitch, hindi pa namin alam na mananalo kami.
"Of course, sina Piolo and si Dingdong, they were surprised when we sent them the award."
Nanalo ito ng best pitch sa Crouching Tigers Project Lab, isang pitching competition na bahagi ng 1st International Film Festival & Awards Macau (IFFAM).
Bukod dito, naglalatag din daw ng proyekto si Direk Erik para sa asawa ni Dingdong na si Marian Rivera.
"We're doing a pitch to Marian for some projects that will be produced by Reality Entertainment and Agosto Dos, and we're getting ready for all that."
The post Erik Matti and Dingdong Dantes Back on Good Terms appeared first on PEP.
Share It To Your Friends!
Loading...