Paano nga ba pinasaya ni Maine Mendoza si Lola Maria ika-94 birthday ni Lola

Pinasaya ng nag iisang Phenomenal Star Maine Mendoza si Lola Maria sa kaniyang ika-94 birthday, Merong mga fans ni Maine at Alden ang nagdiwang ng kaarawan ni Lola Maria na ang tanging hiling lang ni Lola ay isang greetings mula kina Maine at Alden

Pero hindi aakalain ng lahat na mismo si Maine pa ang bumisita sa kaarawan ni Lola hindi aakalain na gagawin ito ni Maine sa sobrang dami at hectic ng sched ng Phenomenal sobrang tuwa ni lola dahil ito na daw ang pinakamagandang gift sa buhay niya.

At nafeature din si Lola Maria sa Human of Baranggay ni Menggay.

“Birthday ko ngayon, 94 na ako. Sa totoo lang hindi na ako naghahangad pa ng kahit ano bilang matanda na ako at masyado na ako maraming dinanas sa buhay. Kumbaga, kuntentong-kuntento na ako sa ganito. Kahit na ba buong buhay ko isinakripisyo ko para lang maalagaan ang mga mahal ko; tatay ko, mga kapatid ko, pati na din ibang kamag-anak ko. Hindi na nga ako nagkaron ng sariling pamilya kasi mas inalala ko sila, pero hindi ko naman pinagsisihan yun. Eto nga at ako nalang natira, ako naman ngayon ang inaalagaan. Nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon buhay pa ako at hindi ako pinapabayaan ng Panginoon. Wala naman akong sikreto kung bakit ako umabot ng 94. Hindi naman ako nakaranas ng masyadong ginhawa sa buhay. Talagang dasal lang ako ng dasal sa Diyos.. syaka siguro dahil mabait ako. Sana nga yung mga kabataan ngayon ay gabayang husto ng mga magulang nila para lumaking mabait at masikap sa buhay. Masuswerte kayo dahil ibang-iba na ang buhay ngayon kumpara noon, sana huwag niyong sayangin oras niyo kakacomputer. Mag-aral kayong maigi, magsumikap sa buhay at maging mabuti sa kapwa. Baka mabuhay din kayo ng matagal.”


sa tweet ni @donsimounibarra : Sa totoo lang, suntok sa buwan ang pag-hingi ng Elites ng video greeting kay @mainedcm at @aldenrichards02, na sana mapagbigyan kahit ilang segundo.

Pero iba ang ginawa ni Meng, dumalaw ng PERSONAL. Seryoso, daig pa namin ang nanalo sa jueteng, ending at jai-alai! ♥️ https://t.co/yzG83twHek



Share It To Your Friends!

Share to Facebook

Loading...